Paano nga ba maging masaya? Makuntento kung anong meron ka? Yung walang iniisip na problema kahit isang araw lang. Kung tutuusin ang sarap mabuhay,lumanghap ng sariwang hangin at tumanggap ng mga biyaya mula s May Kapal. Isang araw baguhin mo ang mga nakasanayan mong gawin mula sa paggising sa umaga, sa pagkain, sa pagligo, sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi at pagpapahinga.

Maaari mong gawin ang mga sumusunod minsan sa buhay mo sa loob lang ng isang araw.

Sa pagtunog ng iyong orasan sikapin mong bumangon kaagad. H’wag kang papadala sa dikta ng iyong isip na maaga pa at masarap pang mahiga sa malambot mong higaan. Ang bawat sandal ay mahalaga at maraming pwedeng mangyaring maganda sa pagbangon ng maaga. Sa pagtayo mo sa higaan maligo ka at magpalit ng iyong damit upang maginhawa na kaagad ang iyong pakiramdam. Magmeditate ka sa method na alam mo. Tanggalin ang mga negatibong iniisip at magfocus sa iyong sarili.

Maghanda ka ng almusal na hindi mo karaniwang hinahain sa umaga. Sa pagkain, iwasan mo ang humarap sa telebisyon, magbasa ng dyaryo o humawak ng telepono. Bigyan ang sarili ng pagkakataon na maenjoy ang pagkain.

Bago umalis ng bahay siguraduhing presentable ka. Humarap sa salamin at pagmasdan ang sarili. Maglagay ng ngiti sa labi na mula sa puso.

Maging mahaba ang pasensya at maunawain sa kapwa.

Sa simpleng pagtawid sa pedestrian lane, maging alerto, tingnan ang sitwasyon ng trapiko, mga driver at kapwa magsisitawid.

Sa trabaho, ugaliing batiin ng may ngiti sa labi ang bawat makasalubong mo.Ang simpleng pagbati ay nakakagaan ng pakiramdam at may ap a kasiyahan sa kapwa. Sa opisina, magkaroon ng positibong kaisipan sa pagharap sa tambak na trabaho.

Ngayong araw  maging mabait at magalang sa lahat ng nakakasalamuha, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa katrabaho, sa nagtitinda sa palengke, sa tricycle driver at sa makakasalubong mo ngayon.

Ang araw na ito ay espesyal kayat maging kalmado ka sa lahat ng bagay. Kung may pagkakataon na may kakaharapin kang suliranin makabubuting maging relax ka at kalmado mong harapin ang sitwasyon. Magnilay-nilay, alalahanin ang masasayang nangyari sa iyong buhay hanggang sa mapanatag ang iyong isipan.

Sa pag-uwi sa tahanan magbigay ka ng maliit na regalo sa pamilya mo, sa asawa, anak, magulang o kapatid. Maaaring bulalak o kahit anong bagay na alam mong makakapagpasaya sa kanila. Simpleng yakap din ay sapat ng regalo, maparamdam mo na sila ay importante sayo.

Para sa iyong sarili. Sa espesyal na araw na ito, itigil muna ang maraming oras sa harap ng internet o telebisyon. Mas mabuting magbasa ng mga inspirational words na makatutulong pra mapaunlad ang iyong sarili. Makabubuti ding gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sayo tulad ng iyong mga hobbies o kaya ay mga pisikal na aktibidades.

Ilan lamang yan sa mga halimbawa na maaari mong gawin para sa isang araw mo. Subukan mong gawin ito pagkatapos ay enjoyin sa mga susunod na araw. At hindi mo namamalayan magiging habit mo na pala ang routine na ito.

Reference:

How to Enjoy a Wonderful Day

www.successconsciousness.com

Search

Go to top