Ano nga ba ang gusto mo? Ano ang makakapagpasaya sa’yo? Nakikita mo ba ang sarili mo sa isang masayang buhay? Marami sa atin ang hindi pa alam kung ano ang gusto sa buhay. Mayroong napapaisip saglit ngunit sa kaabalahan sa mga pang-araw-araw na gawain hindi na ito nabibigyan ng pansin. Magandang magkaroon ng oras upang makapagnilaynilay, mag-isip ng mga bagay na gusto mong mangyari sa iyong buhay.

            Narito ang ilang hakbang upang magkaroon ng malinaw na pangarap.

Magkaroon ng panahon pra magbakasyon. Dito mayroon kang malaking oras para makapag-isip ng maayos, walang iniisip na trabaho o aasikasuhin sa pamilya. Isulat ang mga nais mong mangyari, kung ano ang gustong-gusto mong gawin, kung ano ang gusto mong mapa-sa’yo. Magkaroon ng sariling bahay at lupa, magarang kotse, maging writer, artist, magkaroon ng sariling negosyo, makapagtravel sa buong mundo at marami pa. Lahat ng maisip mo ay isulat mo.

Alamin ang pinakaimportante sa lahat. Bigyang linaw ang mga naisulat, tingnan kung alin ang may kabuluhan para sa’yo. Yung kaya mong gawin at hindi yung imposibleng mangyari. Ishare sa pinagkakatiwalaang kaibigan ang mga naisulat at pag-usapan ito. Maaari ring sumangguni sa eksperto na makakapagbigay sayo ng konkretong paliwanag batay sa nais mong gawin.

Mag-set ng deadlines. Makabubuting may timeline ka sa pag-abot mo ng pinapangarap mo. Limang taon, sampu, depende sa laki ng pangarap mo.

Sino ang gusto mong makasama? Habang inaabot mo ang iyong pangarap isipin mo kung sino ang gusto mong makasama hanggang sa makamit mo ang tagumpay. Ang pagkakaroon ng pangarap ay isang  magandang inspirasyon sa buhay. Pero mas maganda at masarap sa pakiramdam kung kasama mo sa pangarap mo ang mga mahal mo sa buhay.

Magkaroon ng positibong kaisipan. Baguhin ang mga nakasanayang kaugalian. Ang pagkabigo sa isang pangarap ay hindi nangangahulugang isa kang talunan. May mga bagay na mas nakahihigit, tandaan noong nag-isip ka ng mga bagay na gusto mo marami kang naisip diba? Sumubok muling abutin ang mga pangarap.

Walang limitasyon ang mangarap nasa pagdedesisyon natin kung paano natin maaabot ito. Mangarap ng may aksyon at dedikasyon.



References:

Dream It, Do It! – Experience Life

https://experiencelife.com

Dream Big: Live Your Life without Limits

www.briantracy.com

Search

Go to top